Saturday, January 31, 2009

I'm sick today...

Lagnat, sinat, ubo, sipon, trangkaso, pananakit ng katawan, sakit sa ulo, sakit ng mata at kung anu-ano pa. Ito ang mga kalimitang sakit ng isang tao. At meron ako nito. Eto pa rin ako at walang magawa. Patype-type lang at kakatapos ng DOTA session namin. Syempre panalo. Ako pa. Si Windrunner yung ginamit ko at kampi ko si Huskar, kalaban namin si Vengeful at si Lifestealer. Maiba ang usapan at balik tayo sa "pinag-uusapan". Si mama pinatutulog ako pero ayaw ko naman. Ang kulit at kung anu-ano pa nilalagay sa aking maselang balat. Nilagyan ng pain reliever "daw". Mas masakit pa nga yung nilagyan ng pain reliever kaysa sa hindi nilagyan eh. Sobrang init. Mapapaso ka talaga. Sabi nga sa isang kanta, "abot singit". Nahihilo na ako. Aweee~

Pagagaling muna ako para makapag-enjoy ng Life!!!

Peace out :D

Friday, January 30, 2009

Left 4 Dead, Zombie paradise


Ang ganda ng game na ito. Wala akong masabi. Makikipag barilan ka sa mga zombie na na-infect ng isang virus na kumalat sa isang certain na lugar. May apat na survivor at isa dun ay ikaw. Ang mission mo ay makapunta sa iba't-ibang "safehouse" para makaligtas mula sa mga zombieng ito hanggang sa makakuha kayo ng rescue. Nung una nahirapan ako kasi di naman ako masyadong naglalaro ng Counter strike. Pareho kasi ang controls nila. Pero medyo nasasanay na din ako ngayon kasi ang sarap magpasabog at bumaril-baril ng mga zombie. Medyo nakakatakot nga lang pag gabi kasi nakakagulat. Unang-una na yung Hunter na sumisigaw pag nananamba. Tapos yung Smoker na di mo alam saan galing pag hinila ka ng dila. Yung Tank naman na napakalakas pag nanuntok. Lakas pa ng damage! Yung Boomer na nagsusuka ng plema tapos di ka makakakita pag nasukahan ka. Pinakahuli at pinaka nakakatakot ay yung Witch. Umiiyak siya tapos pag na galaw mo sya o nailawan man lang, hahabulin ka nya at sure kill kung makalapit siya sa iyo.

Recommended ko itong game na ito sa mga taong walang magawa sa buhay at walang sakit sa puso. Medyo mahirap nga lang mahanap ang game na ito pero solve naman ang pagod mo pag nalaro mo na ito.

RELOADING~!

Kim the Friendly Neighborhood. Bow!


Etong si Pareng kim, close kami nyan kahit minsan pinagtritripan ako. Malakas mang-trip yan lalo na kay Kuya Lang. Madami kaming common interests lalo na sa mga cartoons sa Nickelodeon sa TV5 (Shake mo TV mo!). Gaya ng Danny Phantom, Spongebob Squarepants, maski din DORA the explorer!! Isama mo pa yung Wonder Pets. Tinatagalog na kasi yung mga Cartoons sa TV5. Ang sagwa.

Balik tayo kay Kim. Minsan din, siya yung karibal ko dun sa PC na inuupuan ko. Mang-aagaw for short. Pero kahit ganun, pinagbibigyan ko siya kasi kawawa naman pag-uwi sa bahay, BOOM!! Pagagalitan sya kasi nakaka-Four hours na sa computer, di pa pala kumakain. Yan kasi!

Siya din yung naging dahilan kaya ako na-engganyo sa KRAZY KART. Yung game na casual racing. Paano ba naman ako di maglalaro nun eh ang yabang. Na-encourage akong maglaro.

But kung mahilig kayo sa cartoons, magkakasundo kayo nitong taong 'to.

aLL aBouT Lang


Naaalala ko tuloy yung kaibigan kong si Lang-lang. Yung may pekas sa mukha. Mukha atang sunog o balat yun. Kamukha nya si Zuko sa Avatar.Maayos naman ang mukha nung taong yun kahit ganun. Medyo mahilig sa pornsites kaya yun, tinamaan ng sakit. Sakit sa bulsa kasi araw-araw ba namang kasama ko sa computer shop. Eto pa ang malupit tungkol sa kanya. Minsan kumpleto ang bayad, pero madalas, KULANG ang bayad pag nagcocomputer dito sa computer shop naming CAFE@PALMERA. "Lang Kulang-kulang", sabi ni Kim, the friendly neighborhood. Pero ang pinagtataka ko lang kay Kuya Lang, Yung mga dictions, pronunciations at grammar nya, mali-mali. Pinagtatawanan tuloy siya ng iba kong friends at syempre, di ko din mapigilan ang pagtawa kasi nakakatawa naman talaga.

Pero ang sabi ko kay kuya lang, maganda yung mga pinapakita nya kasi nakakapagpasaya siya ng ibang tao. Kahit siya hindi.

Pero kahit ganyan si Kuya Lang, proud ako na naging kaibigan ko sya at naging parte ako ng buhay nya. Sa hirap, at sa hirap pa din, magkasama tayo. Alam kong sa oras ng kagipitan, handa kang tumulong.

Isa lang ang masasabi ko para kay Kuya Lang...
Nice one! :D

Friday is quiz Day

Kaninang umaga, ang gulo sa bahay kasi di ko maintindihan yung mga inuutos nila sa akin pagkagising ko. Paano ba naman yun? Kakagising ko lang, inuutusan na agad ako? Jolo, bili ka nga nito, bili ka nga nyan, bili ka nga nu'n. HAY! Nakakapagod!!! Tapos pagagalitan pa ako ng lolo ko sa di malamang dahilan? Ano naman yun? Malupit talaga ang kapalaran, mapang-api sa mga taong tulad ko. Pero di bale. Naaalala ko tuloy yung kaibigan kong si Kim na tuwing nagdodota kami eh sinasabi pag natatalo sya, "ang bida naaapi sa una, sa una lang!". Pagkahatid ng lolo ko gamit ng kanyang pinakamamahal na kotseng Mitsubishi Adventure, nakaradam ako ng kakaibang pakiramdam. Parang mabigat ang mundo ko, mahirap huminga, di ako makakain ng kahit ano. Di ko nga makain-kain yung baon kong butter cookies eh. Maya-maya pa nung nasa loob ako ng library habang nag-cracraming about sa Quiz namin mamaya, nakita ko yung kaklase kong si Charmaine. Tinabihan ko nga. Gumagawa pala sya ng assignent nya sa English. Di ko tuloy maistorbo para mag-review. Masarap kasing mag-review ng may kasama di ba??

Nag-bell na. Sinabi nya sa akin na may klase pa sya ng 9:00 am. Saktong isang oras na pag-rereview para sa Quiz namin sa History ng Philippines. Nasaktuhan ko naman itong babaeng ito na medyo masaya din kasama. Nag-aya ako na magreview kasama sya sa pamamagitan ng Question and Answer Reviewing. Yun yung magtatanong ka tapos sasagutin nya tapos sya naman yung magtatanong at sasagutin mo. Basta may sense.

Maya-maya nakita ko si EJ, ang pinakamalapit kong kaibigan sa ICCT.Pero bakit nung nakita ko sya, biglang bumalik ang aking kakaibang pakiramdam. Sinabi ko na mag-review muna sila at punta muna ako ng Banyo. Opo. Tama kayo. Ako ay nag-call of nature sandali. Medyo nakakatakot nga lang kasi public na banyo yun. Baka may mang-trip. Pagkabalik ko, medyo parang masakit pa ang aking tiyan pero nawawala-wala na rin naman.

Ayun nag quiz na kami sa history ng pilipinas at ang naging grade ko ay nasa line of 9. Ninety percent pataas ang grade ko. Pagkatapos nun, RIZAL. Ano kaya yung grade ko dun? sagot, eighty-eight percent (88%). Ganun ako kagaling mag-cramming. Walang aral-aral. Basa lang. Pano ba naman, nag-DOTA kami kagabi at halos alas-dose na natapos yung laro. Balik tayo sa Quizzes ko. Nung Psychology namin, walang prof kaya nagbunyi ang mga kaklase ko. Pwes akala lang nila walang gagawin at syempre akala ko din. Yun pala walang attendance pag walang kopya ng sinusulat ng class secretary namen sa whiteboard. Ayun napilitan akong kumopya sa pamamagitan ng panget kong pagsusulat. Nung Literature naman namen, naka 84% ako. Mahina kasi ako sa ganun at tsaka ang hirap talaga. Ewan ko lang sa iba.

Natural Science na ang subject namin and it is the last subject. Kala namin maglalaro kami bilang lecture ni ma'am. Yun pala surprise Quiz. Buti na lang at kabisado ko yung mga sagot at ang mali ko lang ay yung lintik na kopya kong si Ernst Von Haeckel. Ang nasulat ko na sagot ay Ernest. Wala man lang consideration kasi yun lang yung mali ko. Sayang perfect na sana quiz ko. Anyways pasado naman at walang dapat ikabahala.

Uwian at sinamahan ko yung kaibigan kong si EJ. makikipag date daw. E di mag-date sya! Ako naman ay nag enjoy sa TAGS dun sa Antipolo. Kasama ko sila Mori, Uod tsaka si Niwa. Nag-laro kame ng Left4Dead. Ganda ng game na yun! 'Da best!

Naaalala nyo ba yung inuutos sa akin kanina? Groceries yon sa super palengke. Ayun syempre at ginawa ko yun kasi wala namang magagawa ang isang bata na tulad ko para tumanggi sa mga inuutos ng mga MATATANDA.

Nakauwi na at HAAAYYYY... pagod na pagod pero ready to play.

Hmm... Intro muna!

Ako nga pala si Jolo Mesina. You can call me Jolo for short. Isa lang naman akong tao na walang magawa sa buhay at kung anu-ano lang ang ginagawa. Meaning, walang kinabukasan. Oo, walang kinabukasan ang taong nasa likod ng blog na ito. Tagalized ang blog ko para di maintindihan ng ibang kano kasi kung gagawin kong english, eh maawa naman kayo sa ilong ko. Nosebleed ika nga.

Bakit ko ginawa ang blog na ito? Siyempre gaya ng mga sinabi ko kanina, ako yung taong kung anu-ano lang ang ginagawa and I'm proud of it!

Gusto ko kasi na ma-share sa iba ang mga experience ko, mga interests ko, at kung anu-ano pa.
Jolo, what if wala akong pake sa experiences mo, sa interests mo, etc.? E ano ngayon? Basta ako, nasulat ko na kung ano gusto ko ilagay dito. Sabi nga ni God, share your blessings at yung mga experiences at interests ko ay blessing na sa akin yun! Tapos.

Sana, madami ang bumasa nito para naman sipagin akong maglagay ng kung anu-ano dito. At sana, makatulong din ito sa pang-arawaraw na buhay ninyo na nagbabasa nito... Kung meron!

Welcome sa aking BLOG.

peace out ;D