Friday, February 27, 2009

Thursday, February 26, 2009

Ano ang sagot kung...

Kung ikaw ay may bf/gf and one day ayaw na nya sa iyo, what will you do?

What will you do if your bf/gf go away. Far enough to leave you behind?

Ito ang killer questions na ikinatameme ko. Ang ikinaisip ko (kahit walang isip). Ang ikinapagbago ng pananaw ko (may ganun?). Ang nagpabaliw sa akin. Ngunit isa lang ang masasabi ko sa tanong na iyan...

"Di ko kaya..." (Ang layo ng sagot. Awe.)

Yup. Di ko kaya. Unang-una, Di ko kaya mawala ang mahal ko sa buhay. Dahil siya ang taong hinintay ko sa aking 10 years na paghihintay simula nung magka-isip ako bilang tao. Mga pards, di biro ang maghintay ng "the one" sa loob ng 10 years ahh?? Matinding sakripisyo ang kailangan para dun! hehehe! Ito ang dahilan kung bakit di pa ako nagkaka-GF simula noon. Waiting for the right Girl para sa akin sabi nga ng iba. Dami kasi ang nagcocomment sa akin tungkol sa mga usaping ito ehh! Don't worry about me guys, suporta lang ok na ako! Tenkyu!

peace out~! :D

Tuesday, February 24, 2009

Bakit ba Ganun?!

Ang pinoy, kilala iyan dahil sa kanilang Pagiging mapagbigay at maaalalahanin. Pinoy Hospitality ika nga ng iba. Pero, bakit ba ganun? Bakit ang pinoy mabaet nga, matulungin nga, mapagbigay nga, ngunit, minsan wala sa sariling pag-iisip? Hindi kayo makapaniwala dahil sinabi ko ito di ba? Eto ang isa sa mga nadatnan kong mga pangyayari sa loob ng Pinas...

Bumibiling Pinoy: Pagbilan po!!

Tindera sa Kanto: Ano yon?

Bumibiling Pinoy: Pabili po ako ng Colgate... Yung Close-up!

Tsk!tsk!tsk! Isa yan sa mga nakakadiring kaalaman ng pinoy, ang kaibahan ng common noun sa proper noun. Eto pa isa...

Bumibiling Pinoy: Magkano po yung bigas nyo na tig-bentesingko?


Hehehe!! Nakakatuwa mang pakinggan ang mga ito, mali pa din ang mga ganitong bagay na umiikot sa ulo nating mga Pilipino. Kaya aral-aral muna tayong mga kabataang pinoy ah?? kahit walang ligo-ligo! Di naman Tsambahan ang pagiging mayaman eh. Ika nga ni Norl Coronel na taga-DXN,"Di mo kasalanan na ipanganak ka ng mahirap ngunit kasalanan mo naman kung mamatay ka ng mahirap!". Tenkyu IDOL! Kaya ang moral natin ngayon, mag-aral once a week! :D


Nakakabaliw talaga ang Pag-aaral kahit anong sabihin ninyo!!!

Monday, February 23, 2009

Ang Chubibo!



May isa akong kakilala. Taong mataba. Buntot nya'y mahaba. Tito nya'y Nambabatok. Kaya nasapak sa mukha. Buti, di napahamak yung bata. Thank God!

Balik tayo sa kakilala kong ito. Minsan siyang pumunta sa amin para magtanong ng isang certain game. Hmm. Tapos siguro nainis sa akin kasi ayaw kong sagutin ng maayos yung mga tinatanong nya. Nakakatamad kasi. Niistorbo ako sa aking paglalaro ng PC games. But, one day, nakita ko itong batang ito sa kanyang crib. Tinawag niya ang aking mahiwagang pangalan at ako'y lumingon. Pinakita nya sa akin ang certain game na iyon at poof! It became Koko Crunch! Hehehehe!! Kidding aside, Naasar ako nung mga pangyayaring iyon. Nakangisi siyang tumingin sa akin habang hawak niya ang CD ng certain game na iyon! WTF! GRR! ARGH! HMPF! AMP! Eto lang ang masasabi ko sa batang iyon... Alam mo baket ako naasar? Siyempre EMO!

peace out~! :D

Saturday, February 7, 2009

Mga nakakatuwang bagay sa loob ng Antipolo Church

Kanina, galing ako sa simbahan ng Antipolo. Wala namang gaanong tao doon ngunit may mga nakasabay ako mga foreigners. Mukhang galing sila sa Middle East. Una kong napansin sa Simbahan ay ang daanan patungo sa kinaroroonan ng Nuestra Senora dela Paz Y Buen Viaje. Haba ng pangalan.In short, Our lady of peace and good voyage. Sa tagalog, Ang aming kababaihan ng kapayapaan at ng mabuting paglalakbay. Yung rebulto na nagsisimbulo sa Santo Nino ng Antipolo. Nasa likod ang daanan. Masikip. Sunod, Yung kakatuwa nilang Sign na, "Welcome to Antipolo!", nakasulat sa baba nito, "Mag-ingat sa mandurukot.". Bawal daw mag-picture sa loob ng kinaroroonan ng Santo Nino, eh ano to? Here's the Proof:

Nuestra Senora dela Paz Y Buen Viaje


Sunod naman yung paglabas ko, Nakita ko agad yung Souvenir Shop. Katabi pa ang Candle shop! Ano kaya ang ipinapahiwatig non?




Tsk tsk tsk! Ano kaya ang mga ito? Puro renovate na lang ng simbahan ang nakikita ko. Kung sabagay, dumadami nga naman ang mga deboto at bisita. Magaling na kaisipan na Fund Raising ang isipin ng mga kaparian ngayon. Paglabas mo nga naman ng Simbahan, Shop agad, mapipilitan kang bumili. Nice One :D

Friday, February 6, 2009

Valentine Countdown: 8 days to go..

Hays! Wala pa din akong date! Yung couple ko naman sa Dance Battle Audition, Break nya yung couple namin. Kawawa naman ako. Walang ka-date, Walang future. Sabagay, Ako nga pala yung taong walang Future. Tung walang patutunguhan. Buweno I'm looking forward na maganda ang magiging araw ko bukas. Bukas ako babawi para sa Blogs!!

Thursday, February 5, 2009

Grading system Failures...

Pano ba mag-grade ang mga Teachers/Professors natin? Saan sila nagbe-base ng grades? Tsambahan lang ba ito? Wala ba silang sapat na "numbers" para magkaroon tayo ng grades? Sa college, iba ang grading system. Mas mababa ang "numero", mas higher ang rank mo, 5 is the Lowest, 1 is the highest. 3 is the passing grade. Kung ako papipiliin, dun ako sa tres. Di masyadong mataas. Di masyadong mababa. Normal lang, di pansinin. Pero maganda din naman yung mataas kasi nakakahakot ka ng mga girls!! Siyempre magpapaturo sila sa yo at no choice mga pare-- Magtuturo ka sa mga babae. Malas lang pag ang tuturuan mo ay mahina pumick-up. Maganda din naman yung boblocks sa klase. Yung mahina "daw" ang utak. Syempre ang advantage nun ay personal benefits din. Araw-araw kang may baon dahil sa repeater ka at laging may summer! Malas mo lang kung magsasawa na sa yo ang nag-papaaral. Sabi nga sa kanta, "lahat ay may katapusan". Ang kasiyahan, natatapos din. Sabi nga ng professor kong si Sir Manuel Inahid, Pag ang grade nyo ay 1.5 pataas, maintain it. Ibig sabihin, alagaan ito. Ask ko lang, what if ang grade ko ay 1.75 pababa? Pabayaan ko ba? Naalala ko kanina lang nag-quiz kami. Di ako nag-aral sa History namin na first subject ko. Naka-75% pa ako. Meaning, pasado. Nagkaroon kasi ng usapan na pag naka-pasa ang half of the class, plus Five lahat!! Opo. 70 lang ako. Pero may plus five kaya swerte pa din.

Valentine Countdown: 9 days to go

Hayy!!! Malapit na mag Valentine's day! Wala pa din akong date. Magiging isa na akong sa mga forever single!!! Please, ayoko nga mag-pari sabi ehh. Di pa naman huli ang lahat. Sa dami-dami ng failures ko sa pag-ibig, di na ako natuto. Tama nga ang iba. Love is Blind. Bulag. Bulag ang pag-ibig. Wala nga namang mata ang pag-ibig di ba? Pero sabi nila, God is love. So... God is Blind?!

Namulat na din ako sa katotohanan. Na ang "soulmate" mo, di mo pede makita. Multo yun! Baka pagnakita mo, kakaripas ka ng takbo. Tsaka ang mga "soulmates", Lumalabas lang ng All Soul's Day. Sa November 2 pa kayo maghihintay. Tagal pa nun at siyempre gaya ng sinabi ko, di nyo pwede makita yun! Multo yun!

Speaking of multo, may iki-kwento ako sa inyo. Kwento sa akin ito ni Uod, Kaibigan ko sa Antipolo. It's about the Promdi Student na galing sa probinsiya. Kaya nga promdi. Dahil bagong salta siya dito sa Maynila, Kailangan niya ng matutulugan. May lumapit sa kanyang isang security guard. Sabi ng guard na merong isang kwarto doon sa binabantayan niya. Dahil sa alam ng guard na bagong salta pa lang ang taong ito, sinabi ng guard na libre ang stay niya sa kwarto. Pero, huwag na huwag daw niyang pagbubuksan ang pinto pag may kumatok ng alas-siyete pataas. Di naman nagtanong kung bakit ang taong promdi. Habang nagbabasa siya ng libro sa kwarto, may kumatok sa pinto. TOK! TOK! TOK! Naalala ng binata na gabi an pala. Di niya ito pinag-buksan ng pinto, sa halip ay tiningnan niya na lamang ito sa lens ng pinto kung saan makikita mo ang tao sa labas. Wala naman siyang nakita ngunit isang puti. Puting kung ano man. Di naman pinansin ng lalaki itong puting bagay na ito at natulog na lang. Naalimpungatan siya nang may kumatok ulit nung gabing iyon. Sinilip niya ang lens at nakita naman niya ay Pula. Pulang bagay na di niya malaman kung ano. Di na lang niya pinansin ito. Pagka-gising sa umaga, tinanong niya agad ang guard. Tinanong niya kung ano ang puti at itim na bagay na kumakatok sa pinto niya. Hulaan nyo nga kung anu-ano ito?? Umm.. White lady? red lady? alien? demonyo? angel? orbs? oooppsss!! Tama na hula! Lumalayo na ehh. Yung una niyang nakita ay White Lady. Tama. White lady nga. At yung pangalawa ay hindi demonyo o red lady. Pagkasilip niya sa pinto, nakita niya ang mata ng white lady. Isipin mo na lang na nakikipag eye-to-eye contact ka sa White Lady!!!! Katakot!

Back to the topic tayo at lumalayo nga tayo. Hay! Dalawa lang ang pagpipilian ko. Sunod sa flow ng destiny o sumunod sa aking gusto. Ano pipiliin ko? Syempre yung gusto ko! Ano nga naman ang gusto ko? Tao ba ito? aba Siyempre! ilang syllables? uhmmm... isa? Sounds like... english ng plato. Ano kaya yun?


WANTED: Soulmate.

Wednesday, February 4, 2009

Adventures in NatSci01..(Natural Science!)

Aba! Ano itong kalokohang naisip ng aming prof na si ma'am Joan? Pinag dramatize kami ng isang ecosystem. Pumili lang daw kami kung anong klaseng ecosystem ang pipiliin namin. Nahati ang klase sa 6 na grupo. May mga nag dramatize na "tuko" sila but unfortunately, mukha silang malaswa! Hehehe! Kidding aside, Ako naman yung makapal ang mukha na nagdramatize bilang biotic component na "water" sa napili naming ecosystem na Aquarium. Pa-wavewave lang ng kamay at ayos! May grade na kami. Ano kaya grade namin dun? Kung ako maggre-grade, betlog... Wahahahah! Naaalala ko tuloy yung joke ni patrick, yung bestfriend ko nung elementary.

Patrick: Jolo, Bakit di pwedeng ikasal si Beth Tamayo kay Mark Logan?

Jolo: Wala namang problema ahh??

Patrick: Meron.

Jolo: Wala nga ehh!!!

Patrick: Sirit ka muna! Sasabihin ko.

Jolo: O siya, siya! Sirit.

Patrick: Kasi pag nagpakasal si Beth Tamayo kay Mark Logan, Pangit pakinggan ang name ni Beth. Magiging Beth Logan!!!

Jolo: Oo nga ano? Wahahaha!!!!

Ang buhay nga naman, minsan nasa taas, minsan nasa baba. Nasa baba, kasi nadapa. Di natin alam kung ano ang mangyayari sa hinaharap. Gaya nung pinagawa sa amin ng aming prof na di namin alam na ang gagawin pala ay dramatization ng ecosystem. Dati, Surprise quiz nga eh. Ano pa kaya ang gagawin ko sa future?? Matulog, kumain, huminga. Galing ko talaga manghula!


Aquarium of the year

Tuesday, February 3, 2009

Do not click!

I have a Secret.
Do Not Click here
para Di mo malaman ang sikreto ko.

Comment kau kung nalaman nyu sikreto ko. Sana hindi...

Ano ang gagawin ng isang SINGLE sa Valentine's day?

Ano kaya ang gagawin ng isang single sa Valentine's day?? Hmmm.. Let me think..
Para sa akin, Ito yung mga gagawin ng mga single:

1. Matutulog (Para pag-gising niya, Feb. 15 na!)
2. Mag-cocomputer (Makalimutan man lang niya na single siya for 1 hour.)
3. Di lalabas ng bahay (Baka ma-inggit sa ibang naglalabing-labing.)
4. Tatawagin si Bestfriend (Para may kausap na kapwa single.)
5. Gagawa ng Valentine's cards para kay mommy at daddy (Nabaliw dahil forever na single. Bumalik sa pagkabata.)
6. Makikinig ng Music sa i-pod,mp3 player, discman, etc... (Parang deadma lang na Valentine's day.)
7. Magsakit-sakitan (Para mapansin ng crush niya... kung mapapansin!)
8. Magpapapogi-points (Di naman guwapo! Kaya single!)
9. Manununtok! (wala lang.)
10. Makiki-epal (Para di mukhang kawawa sa araw na ito.)

Alam ko na kung ano iniisip nyo! Parang ako yung gumagawa ng mga ito?
Hmm... Pwede... Pwede...

:D


Valentine's day reminds me of Sassy Girl The Movie

GG Gamers for Left 4 Dead: How to create and connect...




Hayzzz... Sa dami ba naman ng naaadik sa Left 4 dead, di pa nila alam ang pagcre-create ng game pati pagconnect!!! Well, naisipan kong gawing kapaki-pakinabang ang blog ko kaya eto na guys ang ina-antay nyo!!!
Comment na lang kayo ha??


Creating a game:


1. type "maps *"

2. may lalabas na ganito:



pili ka dyan ng isa.

3. Then copy mo ung isa dyan.

Example:

l4d_farm03_bridge.bsp <--- e2 yung kinopy ko

4.type "map (paste the copied map here!)".

Example:

map l4d_farm03_bridge.bsp

then hit enter.

5. Say you IP address sa GG then enjoy!!!

Connecting to a Game:

1. Know the IP address nung sasalihan mo.
Example:
192.168.27.74

2. Type this on the console: "connect ".

Example:
connect 192.168.27.74

3.enjoy!!!!



Paano naman Jolo yung console? paano palalabasin yun?
Well, for newbies here, punta ka sa options, then Keyboard/Mouse, then Allow Developer Console, and then Enable. Ganun lang kasimple. Mabubuksan mo na yung console by pressing " ~ "!!!

Monday, February 2, 2009

Gutom Lang 'Yan!!!

Kanina, nagtanong ako kay ma'am Joan kung ang lamok ba ay herbivore o carnivore. Kasi kung herbivore, wala namang dugo ang plant. Kung carnivore naman, di naman meat ang dugo. Ano ba talaga? Minsan sa Estudyante, di natin alam ang mga sinasabi natin. Kasi minsan din, walang laman ang ating tiyan. Opo tama kayo. Kaya ko natatanong yung mga kakaibang tanong ay natutulala na ako sa last subject namin na NatSci01 (Natural Science). Kanina din, bumili ako ng tatlong klase ng cream-o, yung chocolate, vanilla at mocha. Di naman ako collector ng flavors. Iba pa yung binaon ko na Fita Spreads na Spicy Tuna. Yung maanghang. Kaya nga spicy eh! Ewan ko ba at pagtingin ko sa kaklase ko, mukha na siyang siopao? Parang yung napanood ko sa TV ng 7eleven, Mukhang siopao yung katabi niya sa tren kasi malapit sya sa 7eleven, gutom lang pala. Talagang ganun ang buhay, minsan, nagugutom ka, pero madalas, gutom pa rin. Sa hirap ng buhay ngayon, huwag nating sayangin ang ating pagkain, blessing ni Lord yan. May kasabihan nga yung mga matatanda na pag malinis yung plato mo pagkatapos kumain, maganda o gwapo yung mapapangasawa mo. Kaya tingnan mo yung plato ko pagtapos kumain, malinis.

Grape Emoticons

Sunday, February 1, 2009

Usapang nanay at anak


Kaninang umaga, kinausap ako ni mama tungkol sa pagco-call center agent nya. Bakit di siya natatanggap. Sabi niya ay age yung basehan kaya natatanggap ang applicant. Eto yung usapan nila...

Intervewer: What do you do before you went here? Is it useful to help our company?

Mama: I always chat every night, Sometimes I can make them my Boyfriends.

Dalawa lang ang pwedeng maging sagot diyan. Nakaka-inis mang isipin pero ito ang isa sa isasagot ng nag-iinterview...

Interviewer: I'm sorry ma'am, we do not promote prostitution here.

Nako nako! Akala nila webcam girl si mama! hehe! Eto yung magandang pwedeng isagot...

Interviewer: You're hired!

Tama si mama, kailangan ng age limit sa mga kumpanya ngayon. Makabago na kasi tayong lahat ngayon. Kailangan, pati empleyado bago na rin. Sino ba naman kukuha ng typewriter kung may computer naman? Di ba inconvenient kung magsusulatan pa kayo gayong meron namang e-mail? Ganon talaga ang buhay, weather-weather lang. Minsan umaaraw, minsan umuulan. Pero kahit saan sa dalawa, araw o ulan, di na makalabas ang tao. Parehas yang may sakit na dulot. Para naman sa aking mahal na nanay, Ma, Sana makakuha ka na ng trabaho kasi you're worth to have a Decent job. Ingatz~

Love, Bakit Ganun?? a Love History...

Puppy Love, ayun ang tawag ko sa unang babaeng naging crush ko. Siya si Lianne. Madami din ang nagkakagusto sa kanya nung grade 3 pa lang kami. Bata pa lang ay mature na ang itsura. Yung maganda ahh, hindi matanda. Ewan ko ba kung bakit siya nawala at bigla na lang lumipat sa ibang school.

Nagkagusto din ako noon sa isa pang babae named Becksy, crush na crush ko itong babaeng ito noon. Madalas kasama ko siya sa 3rd Floor sa School namin tumatambay. Maputi, maganda, matalino. Kaya lang, nung pagkatapos naming grumaduate ng elementary, lumipat sila ng bahay. Mula Taytay hanggang Ontario. Ontario, Canada. Hayun nawalan ako ng pag-asang makakasama ko ulit sya sa 3rd floor ng school namin kasi di naman na ako elementary at di na ako papapasukin ng guard sa loob.

Sunod ay si Gillianne. Yung naging Corporal Commander namin sa CAT at naging kaklase ko nung 3rd year highschool ako. Aba! Dahil sa kanya gumaling ako sa Math. Siyempre mag-aaral ako para magturo sa mga di nya alam na topics. Thank you JiLL!! Pero nagkahiwalay kami ng landas nung magkahiwalay din ang aming section. Di lang yun at nagka-boyfriend na siya. Sayang.. Pero ok lang yun. Ika nga nila eh, Madami pang isda na pwedeng mabingwit diyan. Pano ako makakabingwit kung puro polluted na ang waters di ba?

Sumali ako ng School Journalism bilang isang cartoonist nung 4th year ako sa highschool. Dito ko nakilala si Aiko. Maputi, maganda, matalino. Sorry mga dudes, weakness ko yan. Nakilala ko din yung kapatid nya na sobrang close sa akin dati. Kaya lang, mukhang deadma ako sa ate nya. Ok lang ulit. Bibingwit na lang ako ulit, sabi ko sa sarili.

Nung nasa isang certain College School ako, Nakilala ko itong babaeng ito. Akala niya wala akong gusto sa kanya. Pero ang saklap nun di ba? Kaya eto hanggang ngayon ay "Friends" lang kami. Kaklase ko nga pala siya ng English dati. Kaya naman pakitang gilas tayo. I Looooooooovvvvveeee English! NUSBLID!

Eto na ang huli, at sadyang malupit ang tadhana. Di ko papangalanan ang babaeng ito dahil sa sobrang nahihiya ako. Haha! Di ko maligawan kasi di sya pwede. Pero ako na lang ang lumayo kasi napapansin ko ay walang interes ang babaeng ito sa akin. Pano ko nasabi? Pag yayayain ko lumabas, parang napilitan lang, madalas hindi. Feeling ko, stranger ako. Don't worry, be happy. Hahanap ulit ako. Sana masaya ka na dyan. Tenkyu sa pagsama-sama mo ahh..

Ang mundo nga naman, masaya minsan pero madalas, malungkot.
Sa di sinasadyang panahon, makikilala mo din ang nakatalaga para sa iyo.
Yung iba, nag-papari na lang. Ayoko naman ng ganun. Kung nandyan lang ang babaeng nakatalaga sa akin, please magpakita ka na sa akin. Ayoko mag-pari.

Funny Pic



Pinagtripan habang tulog...

Sunday, the Sabbath Day

Sabbath day is Rest day.

Grabe ang pahinga ko ngayon kasi may sakit pa din ako up to now. Sinisipon-sipon pa ako at ang twalya ko ay puno ng boogers at sipon. Kanina pa ko naka-upo dito sa shop namin at naglalaro ng Left4Dead. Natapos ko na lahat ng ending gamit ung Garena Client. Hehehe. Adik for short. Di bale at natapos ko naman ang lahat kaya sure ako na magsasawa ako sa game na ito for one week. One week lang. Nagkwentuhan kami ng kaibigan kong si Maan tungkol sa Bleach, yung anime na ang bida si Ichigo, yung Shinigami na nakasuot ng itim na damit. Adik talaga itong babaeng ito sa anime na Bleach. But. nung tinanong ko kung bakit Bleach ang pangalan ng anime na Bleach, alam nyo kung ano sabi niya? Ewan.


Ang Cute ng Pusa