Thursday, May 28, 2009

Hayden, Binuhusan ng TUBIG!!!!!



Hmm... Ano nga naman ang "konek" ni Afuang sa taong naligo ng di oras? Sino ba naman siya para magpaligo sa isang celebrity dakter? YAYA?!! May anak din daw siyang babae... So what? Yung anak ba niya yung nabiktima? Dahil sa nangyari tuloy, naging mukhang kawawa si Dr. Manyak (tnx to Lolit) sa Publiko. Ano na namang gulo itohhh??




-JoLo ft. Mr. Sibuyas






http://onion-opinions.blogspot.com/

Me bago na namang pag-uusapan.

We will talk about the Hayden Scam.
Covered by bohol2009 @YouYube, on ANC.







Not surprised?
Di ko malaman sa sarili ko kung ano ang pakiramdam ko nung BINUHUSAN NG TUBIG SI HAYDEN KHO. Thank you.
.--12circles--.

Monday, May 25, 2009

Narinig ko lamang sa mga taga- Kamote Club (93.9 iFM Manila)

It goes something like this (yung pagkakarinig ko.)

Notice to all students:

DepEd has moved the first day of classes from June 1 to June 15, 2009. For more information, please visit http://www.AYOKO-PANG-PUMASOK.com/bakasyon/.


I will just add one more thing:
... and talk to a 'student advisory' t-shirt.



...ok ba? Listen to the Kamote Club sa iFM Manila, 05:00AM M-F.

this.is.12circles

Monday, May 18, 2009

Enrollment.

May 19, 2009.... ilang minuto bago mag alas-otso ng umaga. Pahirapan mag-enroll sa Felix.

Pahirapan, as in PA-HI-RA-PAN. Pero medyo madali rin. Pipila ka at ibibigay mo yung card mo. Tapos aaprubahan yung admission slip mo. Pwede mo na itong gamitin para sa pasukan.

Yan lang muna.


this.is.12circles

USB

Universal Serial Bus. Isa sa mga pinaka madaling dalhin na PC Peripheral, next to Floppy Disks and CDs. Pinakamura nito ay nasa Php 200.00, sa Cd-R King. Pero ito ang pinakamdaling tamaan ng VIRUS, next sa CD at ang Hard Disk mo.

Minsan, noong sinaksak ko ang USB ko sa isang PC, nagtaka na lamang ako nung naging 'pag-aari na ito ng Gobilam_Corp.' Turns out na isa pala itong ".exe" file na hindi katulad ni Rockman, yung tipong sumisira ng Computer. Nasira din yata ng bahagya ang ulo ko dahil hindi ko na alam kung saan ide-debug ito. Madaling mag-multiply.

But here are the solutions,...
  1. go to this thread (TipidPC), ...
  2. or here (Fixya)
  3. or here (HotHardware).
....at wag mong isasaksak sa pinagsaksakan. Madaling bumalik.

....at para sa mga gustong manghas na malaman ang ibig sabihin ng GOBILAM, eto. highlight nyo nalang:

MALIBOG.


this.is.12circles

Tuesday, May 12, 2009

Ang Antipolo, Bow.

Sa bawat siksikan,
may nagbabangayan
mga jeep at tricycle,
madalas nagbabanggaan
sa mga pulis na matataba,
iisa lang ang target nila,
di mo ba napapansin,
lagi nilang hinuhuling motorista,
nakasakay sa motorsiklong umaarangkada.
Sabay hingi ng dalawang-daang pang-merienda nila.

Sa palengkeng laging basa
maiingay na mga tindera
matataas na presyo
at mga pawisang manggagawa.

Mga batang pala-hingi
Namimilit na mga babae
sa tapat ng simbahan
sila ay nananahan.

Isang sinumpang daan
lugar ng kabaklaan
daan na kung saan
maraming parlor at pagupitan.

Parke na walang kwenta
tambayan ng mga binata't dalaga
Mga may problemang maliit o malaki
Doon din nakatambay ang ating.. pambansang bayani.

Di natapos na renovation
sa city hall na hinihintay
At pumunta ka lang sa tabi
umaalingasaw ang panghi.

Mga spaghetting daan
pabago-bago sa di malamang dahilan
isabay mo pa ang mga pedestrian
na nasa gitna.

Taktak.
Isang word na nakakagalak.
Ngunit pag tatalon ka na,
sabihin mo: wish me luck.

Ang Antipolo, bow!

Kristyano at pulitika, anong connect?

Christian. Sa pagkaka-intindi ko, ito ay mga taong naniniwala kay Hesus, Jesus o si God. Actually, pare-pareho lang sila.

"Iisa lang ang Persona."

Parang ang mga pulitiko natin ngayon sa Pilipinas. Gaya ng sabi ni Lourd De Veyra, Iisa lang ang Mukha nila,.. Nag-iiba lang sila, ng Apelido.

Teka, teka! Speaking of pulitika, sino nga pala ang Diyos nila?
Ahem! Sa nakikita ko, ang diyos ay sila.

Baket kamo? Ano ang una mong maiisip sa word na ito?

MANILA

Hmm...
Parang si...
Bayani?
Bayani Agbayani!
Yung sa Kiddie kwela? TV5?
Kasi, parang bata si Bayani, mahilig sa pink.

Back to the TOPIC tayo at pag-usapan ang Kristyanismo.

JESUS CHRIST

Siya lang naman ang pinaka-puso ng Christianism.
Siya lang naman ang mag-liligtas sa'yo.
Siya lang naman ang daan.
Siya lang naman ang katotohanan.
Siya lang naman ang buhay.
At siya lang naman... ang Diyos.

Bakit ko kaya sinasabi ito sa inyo?
"Nagbago ba si JoLo? Ano meron?"

Wala lang. Gusto ko lang naman kayong ma-save ni Lord eh.
Yung tipong di tayo mapupunta sa HELL.
Baka makita ko dun yung presidente eh at nakasakay sa HELL-icopter at sumigaw ng HELL-o! HELL-thy naman sila doon at doon, di mo na kailangan ng HELL-ection para magkaroon ng position sa gobyerno. HELL-OOOOOOOO!!! Wala kayang gobyerno don? What the HELL!

Ui! Pasensya na sa mga taga-gobyerno! Di naman lahat ganun. Yung mga pinatatamaan ko lang naman dito eh yung mga Ang-HELL sa Gobyerno na ginawang paraiso para sa mga pulitiko.

Doon, magagawa nila ang kanilang mga kagustuhan. Makakain nila ang gusto nilang kainin kahit ang taong-bayan ay di na kumakain at nangangalam na ang sikmura. Dito sa Gobyerno din nila matitikman ang sumikat na parang artista. Biruin mo lagi silang nasa TV at ine-expose ang kanilang pagmumukha. Daig pa ang mga artista natin dahil sila nasa diyaryo. Pag-pulitiko ka din, pwede ka nang makipagdebate ng mga walang kakwenta-kwentang mga usapin sa iba pang mga pulitiko. At pag pulitiko ka, pwede ka nang mag-mura. Speaking of pag-mumura, naaalala ko tuloy yung groom ni Gi Kumot-kumot.

PUT*NG NANAY NYONG LAHAT!!!!!

OPS! Sabi ni Lord BAD yun!
Sino ang may gusto ng Pulitikong BAD?
BAD as in Big Daddy.
Asan ung "A"?





Secret.




Moral Lesson:


Christian - Christ = ian
ian = i am nothing.

Therfore, Without Christ in our life, we're nothing...




Peace out~
>.<