Sa bawat siksikan,
may nagbabangayan
mga jeep at tricycle,
madalas nagbabanggaan
sa mga pulis na matataba,
iisa lang ang target nila,
di mo ba napapansin,
lagi nilang hinuhuling motorista,
nakasakay sa motorsiklong umaarangkada.
Sabay hingi ng dalawang-daang pang-merienda nila.
Sa palengkeng laging basa
maiingay na mga tindera
matataas na presyo
at mga pawisang manggagawa.
Mga batang pala-hingi
Namimilit na mga babae
sa tapat ng simbahan
sila ay nananahan.
Isang sinumpang daan
lugar ng kabaklaan
daan na kung saan
maraming parlor at pagupitan.
Parke na walang kwenta
tambayan ng mga binata't dalaga
Mga may problemang maliit o malaki
Doon din nakatambay ang ating.. pambansang bayani.
Di natapos na renovation
sa city hall na hinihintay
At pumunta ka lang sa tabi
umaalingasaw ang panghi.
Mga spaghetting daan
pabago-bago sa di malamang dahilan
isabay mo pa ang mga pedestrian
na nasa gitna.
Taktak.
Isang word na nakakagalak.
Ngunit pag tatalon ka na,
sabihin mo: wish me luck.
Ang Antipolo, bow!
No comments:
Post a Comment