Puppy Love, ayun ang tawag ko sa unang babaeng naging crush ko. Siya si Lianne. Madami din ang nagkakagusto sa kanya nung grade 3 pa lang kami. Bata pa lang ay mature na ang itsura. Yung maganda ahh, hindi matanda. Ewan ko ba kung bakit siya nawala at bigla na lang lumipat sa ibang school.
Nagkagusto din ako noon sa isa pang babae named Becksy, crush na crush ko itong babaeng ito noon. Madalas kasama ko siya sa 3rd Floor sa School namin tumatambay. Maputi, maganda, matalino. Kaya lang, nung pagkatapos naming grumaduate ng elementary, lumipat sila ng bahay. Mula Taytay hanggang Ontario. Ontario, Canada. Hayun nawalan ako ng pag-asang makakasama ko ulit sya sa 3rd floor ng school namin kasi di naman na ako elementary at di na ako papapasukin ng guard sa loob.
Sunod ay si Gillianne. Yung naging Corporal Commander namin sa CAT at naging kaklase ko nung 3rd year highschool ako. Aba! Dahil sa kanya gumaling ako sa Math. Siyempre mag-aaral ako para magturo sa mga di nya alam na topics. Thank you JiLL!! Pero nagkahiwalay kami ng landas nung magkahiwalay din ang aming section. Di lang yun at nagka-boyfriend na siya. Sayang.. Pero ok lang yun. Ika nga nila eh, Madami pang isda na pwedeng mabingwit diyan. Pano ako makakabingwit kung puro polluted na ang waters di ba?
Sumali ako ng School Journalism bilang isang cartoonist nung 4th year ako sa highschool. Dito ko nakilala si Aiko. Maputi, maganda, matalino. Sorry mga dudes, weakness ko yan. Nakilala ko din yung kapatid nya na sobrang close sa akin dati. Kaya lang, mukhang deadma ako sa ate nya. Ok lang ulit. Bibingwit na lang ako ulit, sabi ko sa sarili.
Nung nasa isang certain College School ako, Nakilala ko itong babaeng ito. Akala niya wala akong gusto sa kanya. Pero ang saklap nun di ba? Kaya eto hanggang ngayon ay "Friends" lang kami. Kaklase ko nga pala siya ng English dati. Kaya naman pakitang gilas tayo. I Looooooooovvvvveeee English! NUSBLID!
Eto na ang huli, at sadyang malupit ang tadhana. Di ko papangalanan ang babaeng ito dahil sa sobrang nahihiya ako. Haha! Di ko maligawan kasi di sya pwede. Pero ako na lang ang lumayo kasi napapansin ko ay walang interes ang babaeng ito sa akin. Pano ko nasabi? Pag yayayain ko lumabas, parang napilitan lang, madalas hindi. Feeling ko, stranger ako. Don't worry, be happy. Hahanap ulit ako. Sana masaya ka na dyan. Tenkyu sa pagsama-sama mo ahh..
Ang mundo nga naman, masaya minsan pero madalas, malungkot.
Sa di sinasadyang panahon, makikilala mo din ang nakatalaga para sa iyo.
Yung iba, nag-papari na lang. Ayoko naman ng ganun. Kung nandyan lang ang babaeng nakatalaga sa akin, please magpakita ka na sa akin. Ayoko mag-pari.
No comments:
Post a Comment