Thursday, February 5, 2009
Grading system Failures...
Pano ba mag-grade ang mga Teachers/Professors natin? Saan sila nagbe-base ng grades? Tsambahan lang ba ito? Wala ba silang sapat na "numbers" para magkaroon tayo ng grades? Sa college, iba ang grading system. Mas mababa ang "numero", mas higher ang rank mo, 5 is the Lowest, 1 is the highest. 3 is the passing grade. Kung ako papipiliin, dun ako sa tres. Di masyadong mataas. Di masyadong mababa. Normal lang, di pansinin. Pero maganda din naman yung mataas kasi nakakahakot ka ng mga girls!! Siyempre magpapaturo sila sa yo at no choice mga pare-- Magtuturo ka sa mga babae. Malas lang pag ang tuturuan mo ay mahina pumick-up. Maganda din naman yung boblocks sa klase. Yung mahina "daw" ang utak. Syempre ang advantage nun ay personal benefits din. Araw-araw kang may baon dahil sa repeater ka at laging may summer! Malas mo lang kung magsasawa na sa yo ang nag-papaaral. Sabi nga sa kanta, "lahat ay may katapusan". Ang kasiyahan, natatapos din. Sabi nga ng professor kong si Sir Manuel Inahid, Pag ang grade nyo ay 1.5 pataas, maintain it. Ibig sabihin, alagaan ito. Ask ko lang, what if ang grade ko ay 1.75 pababa? Pabayaan ko ba? Naalala ko kanina lang nag-quiz kami. Di ako nag-aral sa History namin na first subject ko. Naka-75% pa ako. Meaning, pasado. Nagkaroon kasi ng usapan na pag naka-pasa ang half of the class, plus Five lahat!! Opo. 70 lang ako. Pero may plus five kaya swerte pa din.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment