
Monday, February 2, 2009
Gutom Lang 'Yan!!!
Kanina, nagtanong ako kay ma'am Joan kung ang lamok ba ay herbivore o carnivore. Kasi kung herbivore, wala namang dugo ang plant. Kung carnivore naman, di naman meat ang dugo. Ano ba talaga? Minsan sa Estudyante, di natin alam ang mga sinasabi natin. Kasi minsan din, walang laman ang ating tiyan. Opo tama kayo. Kaya ko natatanong yung mga kakaibang tanong ay natutulala na ako sa last subject namin na NatSci01 (Natural Science). Kanina din, bumili ako ng tatlong klase ng cream-o, yung chocolate, vanilla at mocha. Di naman ako collector ng flavors. Iba pa yung binaon ko na Fita Spreads na Spicy Tuna. Yung maanghang. Kaya nga spicy eh! Ewan ko ba at pagtingin ko sa kaklase ko, mukha na siyang siopao? Parang yung napanood ko sa TV ng 7eleven, Mukhang siopao yung katabi niya sa tren kasi malapit sya sa 7eleven, gutom lang pala. Talagang ganun ang buhay, minsan, nagugutom ka, pero madalas, gutom pa rin. Sa hirap ng buhay ngayon, huwag nating sayangin ang ating pagkain, blessing ni Lord yan. May kasabihan nga yung mga matatanda na pag malinis yung plato mo pagkatapos kumain, maganda o gwapo yung mapapangasawa mo. Kaya tingnan mo yung plato ko pagtapos kumain, malinis.

Grape Emoticons

Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment