Saturday, February 7, 2009

Mga nakakatuwang bagay sa loob ng Antipolo Church

Kanina, galing ako sa simbahan ng Antipolo. Wala namang gaanong tao doon ngunit may mga nakasabay ako mga foreigners. Mukhang galing sila sa Middle East. Una kong napansin sa Simbahan ay ang daanan patungo sa kinaroroonan ng Nuestra Senora dela Paz Y Buen Viaje. Haba ng pangalan.In short, Our lady of peace and good voyage. Sa tagalog, Ang aming kababaihan ng kapayapaan at ng mabuting paglalakbay. Yung rebulto na nagsisimbulo sa Santo Nino ng Antipolo. Nasa likod ang daanan. Masikip. Sunod, Yung kakatuwa nilang Sign na, "Welcome to Antipolo!", nakasulat sa baba nito, "Mag-ingat sa mandurukot.". Bawal daw mag-picture sa loob ng kinaroroonan ng Santo Nino, eh ano to? Here's the Proof:

Nuestra Senora dela Paz Y Buen Viaje


Sunod naman yung paglabas ko, Nakita ko agad yung Souvenir Shop. Katabi pa ang Candle shop! Ano kaya ang ipinapahiwatig non?




Tsk tsk tsk! Ano kaya ang mga ito? Puro renovate na lang ng simbahan ang nakikita ko. Kung sabagay, dumadami nga naman ang mga deboto at bisita. Magaling na kaisipan na Fund Raising ang isipin ng mga kaparian ngayon. Paglabas mo nga naman ng Simbahan, Shop agad, mapipilitan kang bumili. Nice One :D

No comments:

Post a Comment