Thursday, February 5, 2009

Valentine Countdown: 9 days to go

Hayy!!! Malapit na mag Valentine's day! Wala pa din akong date. Magiging isa na akong sa mga forever single!!! Please, ayoko nga mag-pari sabi ehh. Di pa naman huli ang lahat. Sa dami-dami ng failures ko sa pag-ibig, di na ako natuto. Tama nga ang iba. Love is Blind. Bulag. Bulag ang pag-ibig. Wala nga namang mata ang pag-ibig di ba? Pero sabi nila, God is love. So... God is Blind?!

Namulat na din ako sa katotohanan. Na ang "soulmate" mo, di mo pede makita. Multo yun! Baka pagnakita mo, kakaripas ka ng takbo. Tsaka ang mga "soulmates", Lumalabas lang ng All Soul's Day. Sa November 2 pa kayo maghihintay. Tagal pa nun at siyempre gaya ng sinabi ko, di nyo pwede makita yun! Multo yun!

Speaking of multo, may iki-kwento ako sa inyo. Kwento sa akin ito ni Uod, Kaibigan ko sa Antipolo. It's about the Promdi Student na galing sa probinsiya. Kaya nga promdi. Dahil bagong salta siya dito sa Maynila, Kailangan niya ng matutulugan. May lumapit sa kanyang isang security guard. Sabi ng guard na merong isang kwarto doon sa binabantayan niya. Dahil sa alam ng guard na bagong salta pa lang ang taong ito, sinabi ng guard na libre ang stay niya sa kwarto. Pero, huwag na huwag daw niyang pagbubuksan ang pinto pag may kumatok ng alas-siyete pataas. Di naman nagtanong kung bakit ang taong promdi. Habang nagbabasa siya ng libro sa kwarto, may kumatok sa pinto. TOK! TOK! TOK! Naalala ng binata na gabi an pala. Di niya ito pinag-buksan ng pinto, sa halip ay tiningnan niya na lamang ito sa lens ng pinto kung saan makikita mo ang tao sa labas. Wala naman siyang nakita ngunit isang puti. Puting kung ano man. Di naman pinansin ng lalaki itong puting bagay na ito at natulog na lang. Naalimpungatan siya nang may kumatok ulit nung gabing iyon. Sinilip niya ang lens at nakita naman niya ay Pula. Pulang bagay na di niya malaman kung ano. Di na lang niya pinansin ito. Pagka-gising sa umaga, tinanong niya agad ang guard. Tinanong niya kung ano ang puti at itim na bagay na kumakatok sa pinto niya. Hulaan nyo nga kung anu-ano ito?? Umm.. White lady? red lady? alien? demonyo? angel? orbs? oooppsss!! Tama na hula! Lumalayo na ehh. Yung una niyang nakita ay White Lady. Tama. White lady nga. At yung pangalawa ay hindi demonyo o red lady. Pagkasilip niya sa pinto, nakita niya ang mata ng white lady. Isipin mo na lang na nakikipag eye-to-eye contact ka sa White Lady!!!! Katakot!

Back to the topic tayo at lumalayo nga tayo. Hay! Dalawa lang ang pagpipilian ko. Sunod sa flow ng destiny o sumunod sa aking gusto. Ano pipiliin ko? Syempre yung gusto ko! Ano nga naman ang gusto ko? Tao ba ito? aba Siyempre! ilang syllables? uhmmm... isa? Sounds like... english ng plato. Ano kaya yun?


WANTED: Soulmate.

No comments:

Post a Comment